Ilang mga batang magsasaka sa Pilipinas, tutungo sa Israel para sa isang internship program

Ilang mga batang magsasaka sa Pilipinas, tutungo sa Israel para sa isang internship program

TUTUNGO sa Israel ang ilang mga batang magsasaka (young farmers) sa bansa para dumalo sa isang internship program doon na magtatagal ng 11 buwan.

Kasunod ito sa napagkasunduan ng Department of Agriculture – Agriculture Training Institute at Granot Agrostudies ng Israel.

Magkakaroon ang mga lalahok sa programa ng hands-on experience, skills development, at exposure sa mga makabagong teknolohiya na ginagamit sa sektor ng agrikultura doon.

Inaasahang aalis ang mga participant sa Setyembre ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter