MATAPOS marinig ang apela ng Palasyo kahapon, balik-palengke na ang ilang mga nagtitinda ng karne ng baboy sa Trabajo Market.
Ito ay sa kabila ng mababang kita dahil sa pinatutupad na price ceiling ng gobyerno hinggil presyo ng karne ng baboy at manok.
Base sa ilang mga vendor, sinusubukan lamang nilang kung meron pa rin silang kikitain kung susundin nila ang price ceiling ng pamahalaan.
Samantala, wala naman nagtinda ng karne ng baboy sa Kamuning Market sa Quezon City.
Naniniwala ang mga nasabing vendor na malulugi sila kung susundin nila ang presyong ipinatutupad ng gobyerno.
Matatandaang, pumalo sa mahigit apatnaraang piso ang presyo per kilo ng karne ng baboy dahil sa African Swine Fever na tumama sa bansa.