IBINUNYAG ng Palasyo na may mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa rice smuggling.
Ito ang dahilan kung bakit hindi umano agad naipatupad ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo noong mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon.
Sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang mga “spoiled” umano na opisyal ay nag-angkat ng bigas, sa parehong legal at ilegal na paraan.
Hindi pa ito sapat at kinokontrol din ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng smuggling at hoarding.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga opisyal ng gobyerno na pinaniniwalaang may kinalaman sa smuggling.