ITINALAGA na ng Quezon City ang ilang open air na lugar sa syudad bilang Child Friendly Safe Zones kung saan pwedeng pasyalan kasama ang mga bata.
Ito ay alinsunod sa utos ng gobyerno na pwede nang payagan na makapamasyal ang mga bata na may edad na limang taon pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Kaugnay nito, pwedeng maglaro, mag-ehersisyo at non-contact sports ang mga bata sa lugar na ito.
Sa kabila nito, dapat kasama ng mga bata ang isang fully-vaccinated na adult na dala-dala ang kanilang vaccination card.
Kabilang sa mga itinalagang safe zones para sa mga bata ang Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ang Urban Farming Area ng Quezon City Hall, Amoranto Stadium at 15 lokal na park sa mga barangay.