Ilang nag-positibo sa COVID-19, pinauuwi ayon sa DOH

INAMIN ng Department of Health (DOH) na may mga pasyente na positibo sa COVID-19 ang kanilang pinauuwi na lamang upang hindi makadagdag sa siksikan sa mga ospital.

Paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na, ang mga pinauuwi ay iyong mga pasyente na walang sintomas o kaya naman ay may ‘mild symptoms’ lamang.

Tiniyak ng opisyal na masusing ina-assess ng mga health workers ang isang pasyente kung iko-confine o pauuwiin.

Pahayag ito ni Vergeire matapos sabihin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may tatlong positibo ng COVID-19 na buhat sa mahihirap na pamilya ang pinauwi ng mga doktor dahil siksikan na umano sa mga pagamutan.

Depensa ng DOH, kung isisiksik pa umano sila sa mga ospital ay maaaring mas makakuha pa sila ng mas malubhang impeksyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.