Ilang negosyante, nakulangan sa anim na taong panunungkulan ni PRRD

Ilang negosyante, nakulangan sa anim na taong panunungkulan ni PRRD

EKSKLUSIBONG napanayam ng SMNI news ang Ayala foundation, personal na ibinahagi nito na nakukulangan sila sa anim na taong  panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya payo nito sa publiko, iboto ang mga politikong makapagpatuloy ng mga nasimulan ng Duterte administration.

Ibinahagi ng Presidente ng Ayala foundation ang kanyang saloobin sa nalalabing taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, kulang ang anim na taon para sa mga nasimulan at kailangan pang tapusin na mga proyekto at programa ng Duterte administration.

‘’Palagay ko its very evident naman noh, 6 years, technically speaking is pretty short,’’ ayon kay Ruel Maranan.

Para sa kanya, malaking hamon ito para sa susunod na administrasyon para sa pagpapatuloy ng mga nauna nang nagawa ng kasalukuyang pamahalaan.

Pero sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at ipinapakitang suporta ng tao kay Pangulong Duterte, hindi dapat ikaila ng publiko na maraming nagawa ang adminstrasyon at marami pa ang dapat na ituloy.

Aminado ang Ayala group na hindi naging madali ang hamon kay Pangulong Duterte sa anim na taong panunungkulan dahil sa ibat-ibang suliranin ng bansa, isa na dito ang kasalukuyang pagtama ng pandemiya.

Pero para sa opisyal, naging susi aniya ng unti-unting pag-angat ng bansa sa mundo at sa iba pang aspeto, dahil sa matitinong politiko at sa tulong ng bawat pilipino lalo na sa sa mga ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan

Hinimok nito ang publiko lalo na sa nalalapit na botohan, na maging mapagmatyag at iwasang magsisihan sa mga pagkakamali ng pamahalaan at sinumang nasa poder.

Aniya, may kalayaan ang tao na pumili pero dapat pabor lamang sa taumbayan.

SMNI NEWS