Ilang OFW sa Malaysia, humihingi ng food supply sa Philippine gov’t

HINDI priority ng pamahalaan ng Malaysia ang mga taga-ibang bansa na bumili ng mga pagkain sa ibang mga supermarket, dahilan kung bakit humihingi na rin ng ayuda ang ilan sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Malaysia.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hirap ang mga OFW na maka-labas simula ng magpatupad ng lockdown ang Malaysian government.

Kung minsan ubos na ang mga suplay sa mga shelves ng grocery bago pa man sila makabili sa haba ng pila.

Kaya, humihingi ngayon ng tulong sa Philippine Embassy sa Malaysia ang ilan sa mga OFW sa Malaysia sanhi ng naturang lockdown.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.