Ilang paaralan sa bansa wala pa ring pasok

Ilang paaralan sa bansa wala pa ring pasok

ILANG paaralan sa bansa ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase ngayong araw dahil sa matinding init.

Ang mga lugar na ito ay ang:

  • Dagupan City: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
  • Manaoag at Mangaldan, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
  • San Jacinto, Pangasinan: Sa hapon lang walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan.
  • Urdaneta City, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan hanggang Marso 14.
  • Malasiqui, Pangasinan: Sa hapon lang walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan  hanggang Marso 14.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble