Ilang paaralan sa Negros Occidental, balik in-person classes na

Ilang paaralan sa Negros Occidental, balik in-person classes na

NAGBABALIK na ang in-person classes sa La Carlota City at La Castellana sa Negros Occidental nitong Lunes, January 6, 2025.

Maliban nalang sa mga paaralan na nasa loob ng 6-kilometer danger zone ng Bulkang Kanlaon at sa mga ginagamit din bilang evacuation centers.

Samantala, sa pinaka-latest na ulat ng Office of Civil Defense nitong January 5, 13,266 katao parin ang nananatili sa mga evacuation center.

Nasa 159 million pesos na rin ang naipaabot na tulong ng national government at non-government organizations para sa mga evacuee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble