MAYROON pa ring mga paaralan sa bansa na nagdeklara ng walang pasok sa araw na ito, Marso 12, 2025, dahil sa inaasahang mataas na heat index.
Sa Bustos, Bulacan: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan; inaabisuhan ang mga ito na lilipat na lang sa alternatibong paraan ng pagtuturo.
Santa Maria, Bulacan: Face-to-face classes sa umaga (6:00 AM – 11:00 AM); habang online/asynchronous learning sa hapon (1:00 PM – 4:00 PM) at magtatagal ito hanggang Marso 14.
Banayoyo, Ilocos Sur: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
Malasiqui, Pangasinan: Sa mga pampublikong paaralan, face-to-face classes sa umaga (7:00 AM – 11:00 AM); habang online/asynchronous learning sa hapon hanggang Marso 14.
Mapandan, Pangasinan: Sa mga pampublikong paaralan, face-to-face classes lamang sa umaga at lilipat sa online/asynchronous learning mula 12:00 NN pataas.
San Fabian, Pangasinan: Sa mga pampublikong paaralan, face-to-face classes sa umaga (7:00 AM – 11:00 AM); at online/asynchronous learning sa hapon hanggang Marso 14.
Santa Barbara, Pangasinan: Sa mga pampublikong paaralan, preschool hanggang senior high school ay sa umaga lamang ang face-to-face classes; online/asynchronous learning naman sa hapon.
Urdaneta City, Pangasinan: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan hanggang Marso 14.