STRANDED ang ilang pasahero sa isang bus terminal sa bahagi ng Quezon City na may biyahe patungong Bicol Region.
Paliwanag ng ticketing officer, na-delay ang mga bus na pabalik ng Metro Manila dahil sa matinding trapik sa bahagi ng Camarines Norte dahil sa mga inaayos na kalsada na napinsala ng nagdaang mga bagyo.
Ayon sa ilang mga pasahero, mahabang pasensya ang kailangan lalo’t alas-singko pa ng madaling araw sila naghihintay sa pila para makauwi sa probinsiya ngayong Pasko.