Ilang personalidad na posibleng makapagbigay linaw sa pamemeke ng pirma ni PBBM, pinadalhan ng subpoena

Ilang personalidad na posibleng makapagbigay linaw sa pamemeke ng pirma ni PBBM, pinadalhan ng subpoena

MAY limang personalidad ang pulisya na maaaring makapagbigay linaw sa pamemeke ng pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa appointment ng isang Commissioner sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee, tatlo sa lima na personalidad ay napadadalhan na ng subpoena.

Habang inaalam pa ang kasalukuyang tirahan ng dalawa pang personalidad.

Umaasa si Lee na makikipagtulungan ang mga natukoy na personalidad upang malaman ang katotohanan sa isyu.

Kasabay nito, tiniyak ni Lee na lahat ng makakalap na impormasyon ay sasailalim sa masusing pagsusuri.

Una nang itinanggi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang lumabas na appointment paper ni Abraham Espejo matapos makumpirma na wala ito sa record ng Presidential Management Staff, Office of the Executive Secretary at Office of the President.

Follow SMNI NEWS in Twitter