Ilang personalidad, nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

NAGPAABOT ng tulong ang ilang Filipino celebrities para sa mga kababayang apektado sa pananalas ng bagyong odette sa bansa.

Marami ang tumugon sa hiling na tulong ng mga nabiktima sa pananalasa ng bagyong odette.

Mababatid na nakapag-iwan ng matinding pinsala ang bagyo na ikinawala ng buhay at pangkabuhayan ng maraming pilipino.

Ilang mga personalidad ang nagkaisa sa paghahatid gaya ni Ivana Alawi kung saan umapela din ito sa mga may kakayahan na anya maliit o malaki man na tulong ay makapagbibigay pa rin ng pag-asa sa mga nasalanta.

Nagbigay din si Anne Curtis sa pamamagitan ng Unicef Philippines habang si Ms. Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ay nag-organize ng relief effort para sa mga biktima lalo na sa kanyang hometown sa Cebu.

Maliban sa mga nabanggit ay marami pa sa mga kilalang personalidad ang patuloy na nangangalap ng tulong para maihatid sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao.

SMNI NEWS