PATULOY at mas pinalawak ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) para matukoy kung paanong nakapasok sa Pilipinas ang isang babaeng Chinese kahit na walang record sa nasabing kagawaran.
Nadiskubre lang ang ilegal na pagpasok sa bansa ng 23 anyos na Chinese makaraan siyang naharang sa NAIA Terminal 3 na nagtataka namang bumalik na sa kaniyang bansa.
Blangko anya ang BI kung paano pumasok sa Pilipinas ang naturang Chinese national dahil walang tatak ng immigration o arrival stamp ang pasaporte nito at nang hanapin ang records ay wala rin silang makita.
Kabilang sa imbestigasyon ay kung sino o sino-sino ang mga kasabwat ng naturang babaeng Chinese.