KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi kasali sa bagong rate ng pasweldo sa Taiwan ang ilang mga Filipino laborers na lumagda sa kontrata bago ang Agosto 10.
Ito aniya ay kahit binigyan ng umento o tinaasan ng gobyernong Taiwan ang suweldo o minimum wage ng mga dayuhang caregivers at kasambahay.
Nakasaad sa isinumiteng report sa DOLE na mula sa dating US$565.90 ay magiging US$665.70 na ito kada buwan.
Ipinaliwanag sa report na kabilang sa mga makatatanggap ng bagong wage increase na magiging epektibo simula noong Agosto 10 ay ang mga paparating na mga migrant workers at mga lalagda pa lamang ng kontrata sa kanilang employers sa Taiwan.