NASA 18 awardee sa mahigit 7,000 awardee ang pinagkalooban ng libreng pabahay ng gobyerno ng Pilipinas sa Southville-3, Muntinlupa, ang nababahala ngayon dahil sa natanggap nilang Notice of Eviction mula sa NHA. Ibig sabihin, anumang oras ay maaari silang paalisin sa kanilang tinitirahan.
Ang mga awardee na ito ay mga dating informal settler sa riles ng tren sa Muntinlupa, 15 taon na ang nakalilipas.
Isa si Beth sa mga kandidato sa eviction sa Southville-3. Masakit para sa kaniya na mawalan ng tirahan sakaling tuluyan na silang paalisin bilang awardee sa lugar.
Ginagawa aniyang commercial ang kaniyang tirahan, kung saan labag ito sa patakaran na umiiral sa NHA.
Asawa naman ni Susie Agapito ang nakalagay bilang awardee ng bahay. Madalas aniya kasi wala sila sa bahay dahil kabilang siya sa nakalista for eviction.
Si Mang Mariano naman ay may tindahan din sa bahay nila, kung saan ang kaniyang manugang ang nagbabantay. Paliwanag niya, bukod sa may tindahan sila sa bahay nila, umiikot din siya sa Southville para maglako ng isda. Giit din niya na ito na lamang ang paraan para kumita sila para sa araw-araw na
Aminado si Aling Fidela na may maliit na bahagi ng kaniyang bahay ang kanyang pinapaupahan, dahilan para makasali siya sa listahan ng eviction. Sa edad na 64, ito na lang aniya ang paraan ng kaniyang pagkakakitaan dahil ang kaniyang dalawang anak ay parehong may sakit sa baga at sa puso.
Paliwanag ni Lorelie Dooc ng NHA, binibigyan lang naman nila ng Notice for Eviction ang mga residente kung lumalabag sa pinirmahang kontrata ang mga awardee.
Kasama sa pinirmahang kontrata at mga patakaran ng NHA na dapat ang owner o may-ari mismo ang nakatira.
Lumalabas kasi na marami sa mga may-ari mismo ng bahay ay pinapaupahan na lang nila ang property na bahagi ng kanilang pagkakakitaan at ginagawang commercial ang kanilang bahay.
Bukod pa dito, sa mahigit 7,000 awardee ng housing, nasa 30% dito ay ibinenta na ang kanilang bahay.
Si Lani ang tumatayong community leader sa lugar. Sabi niya, noong panahon na binigyan sila ng matitirhan mula sa riles ng tren sa Southville-3, karamihan sa mga residente ng housing ay hindi alam ang patakaran na umiiral sa NHA.
Iginigiit naman ni Atty. Biyong Garing, dating Registration of Deeds sa Muntinlupa, na may mga dokumento at titulo na magpapatunay na awardee ang mga nakatira sa Southville-3. At kung ang basehan ng NHA ay ang Presidential Decree 1472 Sec. 2 para paalisin ang mga nakatira doon, mali ang prosesong pagpa-padlock na walang court order dahil ang nasabing batas ay ipinapatupad lamang sa mga squatter at hindi sa mga awardee.
Pinaninindigan naman ni Dooc ang PD 1472 na ang NHA ay exempted sa court order.
Samantala, ito naman ang ipinapayo ni Garing sa natitira pang 18 na may eviction sa Southville-3.
Patuloy ang pag-uusap ng NHA at ng mga residente ng Southville-3 upang malutas ang isyu ng eviction. Inaasahan na magkakaroon ng mas malinaw na solusyon sa mga susunod na araw.
Follow SMNI News on Rumble