AGAD na pinagana ng Philippine Air Force ang kanilang Disaster Response Task Units (DRTU) upang tumulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding.
Sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nagsagawa ang Air Force ng roving at assessment sa kahabaan ng Hacienda Luisita sa Tarlac City.
Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, nailigtas ng Tactical Operations Group 3 ang dalawang sasakyan na stranded sa Hacienda Luisita Road.
Habang tatlong sasakyan ang inasistehan malapit sa exit ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Patuloy naman ang ginagawang rescue at relief missions ng Air Force para mailigtas ang mga pamilya sa pagbaha na dala ng Bagyong Karding.