Ilang senador, nais pag-aralang mabuti ang MIF na layong ipasa ngayong linggo

Ilang senador, nais pag-aralang mabuti ang MIF na layong ipasa ngayong linggo

NAIS ng ilang senador na pag-aralan pang mabuti ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Kabilang sa mga nanawagan nito ay sina Senators Koko Pimentel at Sherwin Gatchalian.

Kasunod ito ng anunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na layon ng senador na ipasa ngayong linggo ang naturang panukalang batas bago mag-break ang Kongreso.

Paliwanag ni Pimentel, hindi kailangang madaliin ang naturang panukalang batas dahil ang kinabukasan ng bansa ang nakasalalay dito.

Nanawagan din si Pimentel na gamitin ang rules-based sa paghimay sa naturang panukalang batas sa halip na ipasa ito dahil sa suporta ng 22 miyembro ng mayorya.

Sa bahagi naman ni Gatchalian, sinabi ng senador na mas mahusay ang Senate version ng panukala kumpara sa original draft nito dahil mas maraming senador ang nagbigay ng safeguards para mapangalagaan ang investment funds dito.

Una na ring sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang Maharlika Fund ay mistulang isang ‘leap of faith to the great unknown’.

Matatandaan na sa ilalim ng MIF Bill, ang Land Bank ay kailangang mag-contribute ng P75-B habang ang Development Bank of the Philippines (DBP) naman ay magbibigay ng P25-B para sa common stocks ng gobyerno sa Maharlika Investment Corp.

Follow SMNI NEWS in Twitter