INIHAYAG ng dalawang miyembro ng Senate Minority Block ang kanilang suporta upang amyendahan ang Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Act (EPIRA).
Sinabi ni Senate Minority Leader Senator Aquilino Pimentel III na sinusuportahan niya ang pag-amyenda sa EPIRA upang mabawasan ang pasakit sa mga power consumers.
Samantala, iminungkahi naman ni Senador Risa Hontiveros ang pagpatutupad ng mas malinaw na patakaran laban sa “cross-ownership” sa sektor ng enerhiya kapag inamyendahan na ang EPIRA.
Minamandato ng EPIRA ang Energy Regulatory Commission (ERC) na isulong ang kompetisyon, market development, siguruhin ang consumer choice at parusahan ang pag-abuso sa market power sa electricity industry.
Nangako naman si Senador Raffy Tulfo na siya ring Chair of the Committee on Energy na magsasagawa ito ng pagdinig sa lalong madaling panahon upang pag-usapan at solusyunan ang madalas na pagkawala ng kuryente na nararanasan ng mga electric consumer sa probinsya.
Ang EPIRA ang isa sa mga legislative agenda na nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 25.