TUTOL ang senatorial candidates sa paglagda ng Commission on Elections (COMELEC) ng kasunduan sa Rappler para payagan itong magsagawa ng fact check sa mga pahayag ng mga kandidato gayundin ang paglikha ng precinct finder para sa mga botante.
Isa si senatorial candidate Atty. Harry Roque, ang nagpahayag ng pagtutol sa kasunduan sa pagitan ng COMELEC at Rappler.
“Ako po ay hindi sang-ayon dyan dahil alam natin ang Rappler po partisan. ‘Yan po ay tinatawag na pink na pink,” ani Roque.
Kinuwestyon naman ng isa pang senatorial candidate na si Ibrahim Albani ang nilagdaang kasunduan ng COMELEC at Rappler kaugnay sa eleksyon.
“Itong nakakapagtataka. My reaction why the Rappler which the American, own by American should not intervene on the national election. So, sana mabigyan ito ng pansin, mamuni-muni tayo kasi ito baka magkaroon naman ng dayaan because America using manipulation dito sa bansa natin and I hope the Filipino people must be vigilant na pag-aralan ito. If possible tanggihan natin na hindi sila dapat makialam sa eleksyon, sa internal problem lalong lalo na sa eleksyon ng bayan natin,” ayon pa ni Albani.
Nangamba ito na baka magkaroon ng dayaan lalo kapag isang foreign entity ang nabigyan ng access sa kumpidensyal na data sa mga rehistradong botante at ng kapangyarihang magpasya sa eleksyon.
Kung ang magiging senador o presidente ay kontrolado ng anumang bansa, tiyak aniya na maghihirap na naman ang sambayanang Pilipino.
Kaya mahigpit ding tinututulan ni Albani ang naturang partnership at dapat walang foreign government gaya ng Amerika na makakontrol sa Pilipinas.