NAGSARA na lang ang ilang tindahan ng baboy sa Commonwealth Market sa Quezon City ngayong umaga.
Isa sa mga dahilan ay ang pagpapatupad ng mas mababang presyo ng karneng baboy.
Nagsimula ngayong araw ang price ceiling sa presyo ng karneng baboy at manok na itinakda ng pamahalaan na nagdulot ng malaking problema sa mga stall owners.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 124 na nagpapataw ng 60-day price freeze sa karneng baboy at manok sa Metro Manila nakaraang lingo.
Sa ilalim nito, ang maximum price ng ng kasim at pigue ay P270 kada kilo habang P300 kada kilo naman ang liempo.
May itinakda ring presyo sa kada kilo ng manok.