Ilang tourism activities sa Negros Islands, suspendido dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon

Ilang tourism activities sa Negros Islands, suspendido dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon

SINUSPINDE na muna ang tourism activities sa ilang lugar sa Negros Occidental at Negros Oriental para matiyak ang kaligtasan ng publiko matapos pumutok ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes, Disyembre 9, 2024.

Partikular sa mga lugar na may temporary suspension sa tourism activity ay ang La Castellana, La Carlota City, Bago City, at Murcia sa Negros Occidental habang Canlaon City sa Negros Oriental.

Nilinaw naman ng Department of Tourism (DOT) na wala silang natanggap na casualty report o mga stranded na turista.

Samantala, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), 33 lugar sa Western Visayas at Central Visayas ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa pahayag ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, maliban sa Negros Occidental at Oriental, umabot ang ashfall incidents sa Antique at Guimaras.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble