HINDI pabor ang ilang tumatakbo sa pagka-senador na magkaroon na ng nuclear warheads sa Japan ang Amerika.
Ayon kay former spokesperson Harry Roque, na iligal ang nuclear weapon sa konstitusyon ng Pilipinas.
Sang-ayon din si Roque sa Article 2 ng charter ng United Nation na dapat resolbahin ang lahat ng bagay sa mapayapang paraan.
Hindi rin sang-ayon si Atty. Larry Gadon na hindi magkaroon ng nuclear warheads ang Amerika sa Japan dahil magiging malala lamang ang sitwasyon kapag ginawa ito.
Ani Gadon, mas mainam na hindi tayo sumali sa Quad upang maiwasan na maging kagaya ng Ukraine.
Naniniwala naman ang radio personality na si Carl Balita na dapat resolbahin ang lahat ng bagay ng mapayapa upang hindi maapektuhan ang mga pangunahing mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Ayaw rin ni Shariff Ibrahim Albani na maglagay ang Amerika ng nuclear warheads sa Japan dahil naniniwala siya na hindi ito kapaki-pakinabang sa mga Pilipino.