Ilang UP professor na nangre-recruit ng mga estudyante sa CPP-NPA, ibinulgar

IBINULGAR ng isang dating estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa Manila na sangkot ang ilang professor ng University of the Philippines (UP) sa recruitment ng mga estudyante sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA.

Inihayag ni Ivy Lyn Corpin alyas ‘Ka Red’, dating rebeldeng estudyante ang nangyayaring recruitment activities sa loob ng mga unibersidad.

Aniya pa, hindi niya alam na may mga ganitong pangyayari hanggang sa mag-aral siya sa PUP noong taong 2010.

Ayon pa sa kwento ni Corpin, una syang naging bahagi ng organisasyong Lakbay Cagayan Valley na isang legal front ng recruitment ng mga estudyante sa armadong pakikibaka.

Kung saan ipinakilala siya sa kabataang makabayan o KM, at dinala siya sa faculty center ng UP Diliman kung saan niya nakilala ang isang UP professor.

Marami rin aniyang mga propesor ng UP ang bahagi ng Kandidatong Kasapi o KK na nagpasumpa sa kanya bilang bagong kasapi.

Dagdag pa ni Corpin, pagkatapos ng kanyang panunumpa ay ipinakilala siya sa Batayang Kurso ng Partido o BKP, at dito na aniya siya inatasang magsagawa ng ideological, political and organizational o IPO works at nagsimula nang mang-recruit ng iba pang kabataan mula sa iba’t ibang unibersidad.

SMNI NEWS