SINUSPINDE na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng ilang vape brands.
Ang mga ito ay ang Shft Dr. Freeze, Aerogin & Don Bars Chillax, Black Elite, at Lost Mary.
Sa pahayag ng DTI, sinuspinde ang mga ito dahil sa posibleng paglabag nito sa vape law ng bansa.
Sa pagsususpinde ay kasama rito ang kanilang Philippine Standard Licenses at maaaring magpataw ng multa ng hanggang P5-M.
Ang repeat offenders ay mahaharap din sa license cancellation.