UMABOT na sa Kamara ang imbestigasyon sa 560 kilo ng ilegal na drogang nasabat kamakailan sa Mexico City, Pampanga.
Para sa House Committee on Dangerous Drugs, nakaa-alarma ang halaga ng mga nasabing shabu na pumatak sa P3.8-B.
Pero, hindi naidetalye sa hearing ang isyu.
Bagkus humingi ng executive session ang mga otoridad para maikuwento ang buong nalalaman sa operasyon.
At ang malinaw, tuloy pa rin ang problema ng bansa sa ilegal na droga.
‘‘Sana po huwag niyo nang ituloy ‘yung mga plano niyo sa ilegal na droga. Kasi po sa bayan ng Mexico sa lalawigan ng Pampanga, naghahanapbuhay po kami,’’ ayon kay Aurelio ‘‘Dong’’ Gonzales Jr., 3rd District, Pampanga, Senior Deputy Speaker.
Ayon naman kay House Dangerous Drugs Committee Chairman, Ace Barbers, umabot na sa P30-B ang nakukumpisakang ilegal na droga ng Marcos Jr., Administration. At sa ilalim raw ito ng bloodless drug campaign ng administrasyon mula Hulyo 2022 hanggang sa kasalukuyan.
‘‘Yung accomplishment napakalaki ano? Mahigit apat na toneladang shabu at tatlong toneladang marijuana ang nasabat ano’ sa pinagsamang puwersa ng law enforcement units natin na in-charge dito sa anti-illegal drugs operations ano,’’ ayon naman kay Robert ‘Ace’ Barbers Chairman, House Committee on Dangerous Drugs.
Punto ni Barbers, panay street operations ang ginawa ng kasalukuyang pamahalaan. At tinutukan ang mga big-time pushers ng ilegal na droga.
‘‘Yung apat na tonelada… tatlong toneladang marijuana at apat na toneladang shabu ay nakuha natin sa kalsada. At kumbaga hindi natin napabayaan na magamit ito ng ating mga kabataan at atin mga kababayan.’’
‘‘Yes, in fact that’s what I want to emphasize this was a bloodless operation resulting to about 4.4 tons of shabu na apprehended,’’ dagdag pa ni Rep. Ace Barbers.
Inihambing naman ni Barbers ang kabuuang halaga ng nakumpiskang droga sa kampanya sa eleksyon. Paliwanag niya.
Kabuuang droga na nahuli ng administrasyon, sapat na rawng pang pondo ng mga drug lord sa eleksyon?
‘‘Yes, you know with the amount P30-B na equivalent street value na ‘yan it can fund anyone who wants to run in any public office including the Office of the President (OP). Imagine, P30-B ang street value nito, at kung ito’y nabenta ng isang drug lord, he can easily finance anyone and actually ask anyone that he will support,’’ sabi ni Barbers.