IPINASARA ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang natagpuang illegal mining operation sa kanilang probinsya dahil sa kawalan ng operating permit.
Ito’y matapos magsagawa ng inspeksyon ang gobernador kung saan matatagpuan ang illegal mining sa isang 5 hectare lot sa tagong lugar sa Sitio Alimasag, Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.
Nanguna sa pagsara ng nasabing minahan ang Bulacan Environment and Natural Resources Office at Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit.
Naatasan na rin ng gobernador si Benro Chief Atty. Julius Degala at Bulacan CIDG Provincial Officer Major Banate Tabigo-on na imbestigahan kung bakit walang permit ang minahan.