Iloilo City, inaasahang magdedeklara ng “pertussis” o “whooping cough” outbreak—DOH

Iloilo City, inaasahang magdedeklara ng “pertussis” o “whooping cough” outbreak—DOH

NITONG Huwebes, Marso 21, 2024 ay nagdeklara ng “pertussis” o “whooping cough” outbreak ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso nito.

Sa datos ng lokal na pamahalaan, as of March 20 ng taon, aabot na sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi, mula sa zero case noong kaparehong panahon ng 2023.

Sa panayam naman ng SMNI News kay Department of Health (DOH) Spokesperson Usec. Eric Tayag, posible ring magdeklara ng kaparehong outbreak ang Iloilo City sa mga susunod na araw.

Ang “pertussis” o “whooping cough” ay sakit sa baga na dulot ng bacteria na pertussis.

Karamihan ayon kay Tayag sa mga tinatamaan nito ay mga bata dahil na rin sa mahina pa ang resistensiya ng mga ito.

Ilan sa sintomas ng pertussis ay pagsusuka pagkatapos ng malalang pag-ubo, hirap sa paghinga, lagnat at whooping sound na pag-ubo o halak.

Sa datos naman ng DOH, sa unang 10 linggo ng taon ay nakapagtala na ito ng 453 cases sa buong bansa.

Ibinahagi na rin ng DOH ang kanilang nakikitang dahilan sa pagtaas ng kaso ngayong taon.

Sa kabilang banda, ipinaliwanagni Usec. Tayag kung bakit nagkakaroon ng kakulangan ng supply ng bakuna laban sa pertussis.

Sa ngayon, payo ng DOH sa publiko na magsuot ng face mask upang makaiwas sa pagkahawa sa naturang sakit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble