Iloilo instagramma walls ipinagmamalaki ng Brgy. Punong Lapuz ito ay proyekto na ngayon ay tinatawag na mga taga iloilo ‘instagramma walls’.
Brgy. punong lapuz iloilo, ipinagmamalaki ang kanilang proyekto na naging destinasyon ng tao para ‘instagrammable’ na larawan. narito ang trending.
Proyekto ng mga opisyales ng brgy. Punong Lapuz Iloilo ang instagrammable walls na dinarayo ng mga tao para makakuha ng magandang larawan.
Ayon kay Trisha Tomarcuz, SK Chairperson ng naturang barangay, madilim at walang buhay ang eskinita ng barangay na merong isang daan at limangpung metros ang haba.
Marami ang nag alinlangan na dumaan sa lugar dahil sa madilim ito kaya naisipian nila na pagandahin ang eskinita.
May anim na pu’t walo na makukulay na dingding kabilang na dito ang Interactive 3d paintings.
Ayon kay Tomarcuz kasama nila sa pag konsepto ang brgy. kapitan na si Tweet Asturias, mga opisyales ng barangay at ang sky builders.
Nasa p1.2 million ang pondo ng pagpapaganda ng naturang lugar na kinuha sa supplemental budget.
Nasa limang daan hanggang isang libo naman ang dumadagsa kada araw.
mensahe naman niya sa mga kapwa niya sk chairman na dapat gawin lahat ng makakaya para ma tulungan at mapaganda ang komunidad kahit merong pandemya