ISINAILALIM sa state of calamity ang lalawigan ng Iloilo dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Inaprubahan ng Iloilo Provincial Board ang rekomendasyon ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council noong Martes, Mayo 14.
Una nang nagdeklara ng state of calamities ang mga bayan ng Sara, Estancia, Bingawan, Balasan, Dengli, Lemery, San Dionisio, Banate, Barotac Viejo, Ahuy, Mina at Passi City.
Batay sa datos ng Iloilo PDRRMC, umabot na sa mahigit P1-B ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa 42 bayan at sa siyudad ng Passi.
Umabot na rin sa mahigit P653-M ang halaga ng nalugi sa produksiyon ng bigas habang nasa mahigit P219-M ang nalugi sa produksiyon naman ng mais.
Nasa P136-M rin ang halaga ng pinsala sa mga high-valued crops.
P16-M ang pinsala sa produksiyon ng isa at halos 200-K naman sa livestock at poultry production.
Sa ngayon ay maaari nang magamit ng lalawigan ng Iloilo ang kanilang quick response fund na nagkakahalaga ng P61-M para tugunan ang epekto ng El Niño sa probinsiya.