Iloilo, maaring magdeklara ng dengue outbreak; Passi City, isinailalim sa state of calamity

Iloilo, maaring magdeklara ng dengue outbreak; Passi City, isinailalim sa state of calamity

NAGHAHANDA na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo sa pagdedeklara ng dengue outbreak sa probinsiya dahil sa pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit na dengue.

Sa pinakahuling datos ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO), mahigit 3,600 ang kabuuang kaso ng dengue kung saan 6 dito ang nasawi.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ang nabiktima ng sakit sa siyudad ng Passi na may 327 kaso.

Ayon sa IPHO sa 43 bayan sa probinsiya, 36 dito ay umabot na sa limit ng alert and epidemic threshold.

Patuloy naman ang ginagawang implementasyon ng lalawigan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na dengue.

Sa ngayon, isinailalim na sa state of calamity ang Passi City dahil sa dengue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble