Iloilo, nagdeklara na ng state of war vs. dengue

Iloilo, nagdeklara na ng state of war vs. dengue

PANATILIHIN ang kalinisan, ‘yan ang matinding panawagan ngayon ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. sa mga nasasakupan nito matapos ianunsiyo ng Provincial Health Office kamakailan ang paglagpas sa alert threshold o outbreak ng kaso ng dengue sa lalawigan.

Kasunod nito nagdeklara na ng state of war ang gobernador dahil sa nakababahalang pagtaas pa ng kaso ng nakamamatay na sakit na dengue. 

Para malabanan ang nasabing sakit ay mas lalo pa aniyang pag-iibayuhin ang pagtulong sa kapasidad ng mga munisipyo na tumugon at maiwasan ang dengue.

Sa huling datos ng Iloilo Provincial Health Office, umabot na sa mahigit apat na libo ang kaso ng dengue na mayroong 10 nasawi.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble