Imbakan ng paputok sa Calamba, Laguna, sumabog; 5 nasawi

Imbakan ng paputok sa Calamba, Laguna, sumabog; 5 nasawi

NASAWI ang 5 indibidwal matapos sumabog ang isang imbakan ng mga paputok sa Brgy. Mahanda, Calamba City, Laguna.

Maliban sa mga nasawi ay 5 kabahayan din ang natupok ng sunog.

Ayon sa ulat ng Calamba City Public Order and Safety Office, alas diyes ng umaga nang sumabog ang imbakan na sinundan ng sunog.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung ano ang rason ng pagsabog at iniimbestigahan pa ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mismong ang lokal na pamahalaan ang insidente.

 

Follow SMNI News on Twitter