Imbestigasyon ng Kamara sa shooting incident sa pagitan ng PNP at PDEA, hindi na itutuloy

HINDI na itutuloy ng Kamara ang motu proprio investigation nito hinggil sa nangyaring shooting incident sa pagitan ng mga Pulis at PDEA noong March 24.

Sa mensahe ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, nagpasya silang ipagpaliban ang pagdining bilang kortesiya sa atas ng Pangulong Duterte.

Ipinag-utos kasi ng Pangulo na tanging NBI na lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Dapat ay sa Lunes, March 1 ikakasa ng komite ang inquiry in aid of legislation upang bigyang linaw kung bakit nauwi sa madugong engkwentro ang anti-drug operations ng dalawang grupo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.