Imbestigasyon ng NBI at PNP sa pagpatay sa Bilibid, hiniling ng BuCor

Imbestigasyon ng NBI at PNP sa pagpatay sa Bilibid, hiniling ng BuCor

SA magkahiwalay na sulat kina NBI Director Jaime Santiago at PNP Chief P/Gen. Rommel F. Marvil, hiniling ng BuCor Officer-in-Charge Asec. Al Perreras ang imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan, mapanatili ang transparency, at matukoy ang mga responsable sa pagkamatay ni PDL Ricardo Peralta (Prison No. N224P-1485) at sa pagkasugat nina Reginal Lacuerta (Prison No. N220P-1974) at PDL Bert Cupada (Prison No. N223P-1537).

Iniutos din ni Perreras kay C/SUPT Roger Boncales, Acting Superintendent ng NBP, na magsumite ng kumpletong ulat sa insidente at makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI at PNP.

Ayon kay Boncales, kinuha na ng common-law wife ni Peralta na si Lalune Gabriel ang kaniyang bangkay kagabi.

Dinala naman sa Ospital ng Muntinlupa sina Lacuerta at Cupada na nagtamo ng mga saksak.  Bukod sa isang nasawi, dalawa pa ang nasugatan sa insidente.

Apat na bilanggo ang kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay ng insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble