Imbestigasyon ng Senado sa vaccination program ng pamahalaan, ngayong araw na

GAGAWIN ngayong araw ang pagdinig ng Senado patungkol sa vaccination program ng pamahalaan.

Matatandaan na ginawa ang pagdinig matapos maghain ng resolution si Senator Kiko Pangilinan noong buwan ng December 2020 para magkaroon ng pagdinig at malaman ang plano ng gobyerno sa mahigit 70 bilyong pondo na inilaan ng Kongreso para sa bakuna sa ilalim ng 2021 National Budget.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, chairman ng Committee of the Whole layunin ng pagdinig na masagot ang maraming katanungan ng komite tulad na lamang kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring dumadating na bakuna sa bansa, kailan ito darating at papaano ito maipamahagi, kabilang ang isyu sa storage ng bakuna.

Nais namang malaman ni Sen. Panfilo Ping Lacson sa pagdinig kung bakit naiwala ng pamahalaan ang mga opoturnidad para sa maagang pagdating ng bakuna sa bansa gaya ng Pfizer na may 95% efficacy at Sinopharm mula China  na may 79% efficacy naman.

Ayon kay Lacson, noon pang May 2020 sumulat ang Sinopharm sa Pilpinas para makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas na hindi rin pinagtuunan ng pansin ng pamahalaan.

Giit naman ni Lacson na kahit merong vaccine czar ang bansa nasa kay Health Secretary Francisco Duque pa rin ang liability dahil ito aniya ang over all in-charge sa health response ng bansa sa pandemya.

Ilan naman sa mga inaasahang dadalo sa hearing sa vaccination program ng pamahalaan ay sina vaccine czar Carlito Galvez, Health Secretary Francisco Duque III, Budget Secretary Wendell Avisado, Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, at Food and Drug Administration Director Eric Domingo.

Kabilang din sa dadalo ang mga representative mula Departments of Finance, Foreign Affairs, and Interior and Local Government.

Hindi naman inimbitahan sa pagdinig ang Presidential Security Group (PSG).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.