Imbestigasyon ni Sen. Bato hinggil sa PDEA leaks, puwedeng ipagpatuloy—Escudero

Imbestigasyon ni Sen. Bato hinggil sa PDEA leaks, puwedeng ipagpatuloy—Escudero

MAAARING ipagpatuloy ni Sen. Bato dela Rosa ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyal na leaked document ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon ito kay Sen. Chiz Escudero sabay ang pagdidiin na hindi ang PDEA leaks ang dahilan kung bakit natanggal bilang Senate President si Sen. Migz Zubiri.

Kung mapapansin, naging emosyonal si Sen. Bato sa pagkaalis ni Zubiri sa puwesto dahil aniya, ang PDEA leaks ang dahilan nito.

Sa tingin naman ni Escudero, hindi mangyayari ang sinasabing lilipat sa minority bloc ang Magic 7 o ang mga senador na nanatiling kaalyado ni Zubiri matapos ito mapalitan bilang Senate President.

Ang Magic 7 ay ang mga senador na sina Loren Legarda, Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, at Sherwin Gatchalian.

Follow SMNI NEWS on Twitter