Imbestigasyon sa pagbagsak ng US military-contracted aircraft sa Maguindanao del Sur, nagpapatuloy—CAAP

Imbestigasyon sa pagbagsak ng US military-contracted aircraft sa Maguindanao del Sur, nagpapatuloy—CAAP

KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pamamagitan ng US Embassy sa Maynila na bumagsak sa Brgy. Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Huwebes ang isang Beechcraft King Air 300 na may registration number N349CA.

Umalis ang eroplano mula sa Cebu patungo sa Cotabato City para sa isang aerial survey nang ito ay bumagsak. Ang flight ay bahagi ng isang regular na misyon para sa US-Philippine security cooperation activities.

Sabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, hindi pa matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano. Patuloy aniya silang nakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad para matukoy ang sanhi ng insidente.

Wala pa kaming impormasyon sa ngayon, dahil unang-una kailangan makakuha tayo ng official report, lalo na doon sa kapulisan kasi sila ‘yung first responders. Kaya kailangan makakuha kami ng impormasyon. Makikipagtulungan naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines para maimbestigahan kung ano ang nangyari dito at kung ano ang cause ng pagbagsak,” pahayag ni Eric Apolonio, Spokesperson, CAAP.

Dagdag din ng opisyal, dalawa na ang naitalang bumagsak na eroplano sa bansa sa taong kasalukuyan. Nitong nakaraang 2024, 4 lamang ang naitalang eroplano ang bumagsak sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Marami rin aniyang factors kung bakit bumabagsak ang isang eroplano. Base sa mga nakikitang resulta ng mga imbestigasyon ng CAAP sa mga ganitong insidente, karamihan ang dahilan nito ay ang human error, engine, at kasama na rin ang weather.

Well, accidents happen. Maraming factor. Minsan ang weather, pag maraming bagyo, posibleng mataas ang number ng aircraft accidents,” pahayag ni Apolonio.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble