Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Pinoy sa UAE, nagpapatuloy

Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Pinoy sa UAE, nagpapatuloy

KINUMPIRMA  ng Philippine Consulate General sa Dubai na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa 2 Pinoy na nasawi sa UAE.

Inihayag ni Consul General Marford Angeles , tagapagsalita ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Dubai Police kaugnay sa pagkamatay ng 2 Pinoy sa UAE.

Ayon kay Angeles, hindi pa makapagbigay ng detalye dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Dubai Police.

Matatandaan dalawang overseas Filipinos ang natagpuang patay sa lugar noong Hulyo 27 kung saan isa sa mga biktima ang may injury sa leeg.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Dubai, ipinaalam na sa pamilya ng mga nasawi ang nangyari sa mga biktima.

Wala pang karagdagang detalye na ibinigay ang mga otoridad ng UAE.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay patuloy na kumakalap ng impormasyon hingil sa insidente.

 

Follow SMNI News on Twitter