Imbestigasyon sa sugar importation fiasco, sisimulan na ng Senado sa Agosto 23

Imbestigasyon sa sugar importation fiasco, sisimulan na ng Senado sa Agosto 23

SISIMULAN nang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kontrobersya sa sugar importation sa Sugar Regulatory Administration (SRA) sa Martes, Agosto 23, 2022.

Ito ang inanunsyo ni Senador Francis Tolentino na siyang chairman ng nasabing komite.

Iimbestigahan din sa susunod na linggo ang umano’y overpriced at outdated laptops na binili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa Department of Education.

Inanunsyo rin ni Tolentino na hihingi ang Blue Ribbon ng tulong kay dating Deputy Ombudsman Melchor Carandang bilang senior legal consultant at dating Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera bilang general counsel sa kasagsagan ng pagdinig upang ipakita ang kaseryosohan ng komite sa pagtupad ng mandato nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter