Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO

Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO

NANUMPA ang singer na si Imelda Papin bilang bagong acting Member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong araw ng Martes, Hunyo 4, 2024.

Ayon kay Papin, nagpapasalamat siya sa tiwala ng administrasyong Marcos sa kaniya.

“Ito po ay continuation ng aking ginagawa. Noon pa man din before napunta ako sa politika. At noong nasa politika na po ako, ako’y tumutulong na talaga. Kaya nasa puso ko po ang pagtulong. Tamang-tama po ang posisyon ko ditto,” ayon kay Imelda Papin, Acting Member, PCSO Board of Directors.

Programang “Isang Linggong Serbisyo,” isusulong ni Imelda Papin bilang bagong opisyal ng PCSO

Sabi ni Papin, ipapanukala niya ang programang “Isang Linggong Serbisyo” para makatulong ang PCSO sa mas maraming Pilipino.

“Sa observation ko noong naging Vice Governor ako and until now, ‘yung mga humihingi ng tulong pagdating ng Sabado at Linggo ay walang mapuntahan po sila. So, I will propose ito the Board, but I mentioned it to the President,” dagdag ni Papin.

Sa kabila ng kaniyang bagong tungkulin sa PCSO, tiniyak naman ni Papin na magpapatuloy pa rin ang kaniyang singing career, maging ang posibilidad ng pagkakaroon ng concert.

Maliban diyan ay magpapatuloy rin aniya ang block screening ng pelikula niyang “Imelda Papin: The Untold Story”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble