Immigrants at temporary residents, nakitang rason para tumaas ang populasyon sa Canada

Immigrants at temporary residents, nakitang rason para tumaas ang populasyon sa Canada

NAKIKITANG dahilan sa pagtaas ng populasyon sa Canada ang pagsidatingan ng mga immigrants at temporary residents sa bansa noong 2022.

Sa tala hanggang January 1, 2023, umabot na sa 39,566,248 ang populasyon ng bansa matapos nadagdagan ng 1,050,110 sa nakalipas na 12 buwan.

Hindi naman nakikita ng Canada na isang malakihang problema ang pagtaas ng kanilang populasyon, subalit nagiging hamon ang pagkakaroon ng sapat na housing, infrastructure, transportation at iba pang uri ng serbisyo.

Samantala kung magpapatuloy ang pagtaas, maaaring dodoble na ang populasyon ng Canada sa loob ng 26 na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter