Immigration at Health Ministry ng Malaysia, tataasan ang control ng pagpapapasok sa mga turista

Immigration at Health Ministry ng Malaysia, tataasan ang control ng pagpapapasok sa mga turista

INAASAHAN na mas hihigpit pa ang kontrol ng bansa para sa mga dayuhang turista na papasok ng Malaysia matapos magsanib-puwersa ang Malaysia Immigration Department at Ministry of Health.

Sa isang eksklusibong panayam, binigyang-diin ni Immigration Director-General Datuk Khairul Dzaimee Daud, na ang mga dayuhang turista na darating sa Malaysia ay dapat dumaan sa mga Special Immigration Counter sa entry point ng bansa.

Binigay halimbawa nito ang mga biyahero na manggagaling sa bansang China, aniya matapos dumaan ang mga ito sa Immigration counter sakaling makitaan ng sintomas agad daw itong ire-refer sa MOH para agad na ma-isolate.

Dagdag pa ni Datuk Khairul, titiyakin din ng kanyang partido ang pagpasok ng mga dayuhang turista alinsunod sa batas na itinakda.

Samantala, nilinaw ng ahensya na ang mga dayuhan na walang kumpletong dokumento ay pababalikin sa kanilang sariling bansa upang maiwasan ang maling paggamit ng mga tourist visa.

Follow SMNI NEWS in Twitter