Immigration, tutulong sa madaling pagpapaalis ng foreign POGO workers

Immigration, tutulong sa madaling pagpapaalis ng foreign POGO workers

TUTULONG ang Bureau of Immigration (BI) para mapadali ang pag-alis ng mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na tinatawag na ngayong Internet Gaming Licensees (IGLs).

Bilang tulong na nila ito sa sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hanggang Oktubre 15, 2024 na lang ang palugit para sa boluntaryong pagpapa-downgrade ng visa status ng lahat na foreign POGO o IGL workers.

Ang bigong makasunod sa visa downgrading ay inaasahang aalis na sa bansa sa loob ng 59 araw.

Ibig sabihin, bago o sa araw ito mismo ng Disyembre 31.

Kung hindi susunod ang mga ito ay magkakaroon na ng deportation proceedings laban sa kanila.

Pagdating naman ng Enero 1, 2025 ay aarestuhin, ipapa-deport at blacklisted na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble