AYON kay Adolfo ‘Ka-Ado’ Paglinawan, political analyst, ang impeachment complaint kay VP Sara ay ideya ng mga gustong paalisin siya sa politika ng Pilipinas.
“Sa loob ng isang taon, isa lamang ang impeachment complaint na pwedeng i-accept ng Kamara, e ‘yung kay [VP Sara], mag-aapat na. Parang ang Kamara pa ang nagsasabi na mag-submit pa kayo, mag-submit pa kayo, samantalang ang Kamara, dapat i-accommodate lamang kung ano ang ipinayl ng ordinary citizens ng civil society.”
“Klarong-klaro na ang impeachment ay ideya lamang ng mga ibang tao na gustong alisin ang ating pangalawang pangulo sa politika ng Pilipinas. Hindi na natin maaaring turuan ang sambayanang Pilipino, gising na gising na tayo, at ‘yang mga impeachment complaint na ‘yan should go to the waste basket,” ayon kay Adolfo ‘Ka-Ado’ Paglinawan, Political Analyst.