MARIING sinabi ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, nominee ng Epanaw Sambayanan Party-list na malinaw na political manipulation at interes ng ilang grupo ang impeachment laban kay VP Sara Duterte.
“Kung tatanggalin sa pamamagitan ng impeachment-na alam nating political manipulation! at maruming laro ng ambisyong politikal ng interest groups na CPP-NPA-NDF at kanilang urban operatives—para na rin nating ninakawan ng kapangyarihan ang mahigit 32 milyong Pilipino na nagbigay ng mandato kay Vice President Sara Duterte.”
“Hindi ma-establish ang mga ibinibintang sa kanya dahil walang solidong ebidensyang nagpapatunay sa alegasyon at ang orchestrated at calculated move na ito para sa impeachment ay lalo pang magtutulak ng political conflict at lalong lulubog sa kahirapan ang bansa,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Nominee, Epanaw Sambayanan.