Implementasyon ng 3-strike policy sa RFID lanes, planong ipatupad sa Pebrero 22

PLANO ng Toll Regulatory Board (TRB) na ipatupad ang 3-strike policy laban sa mga motoristang papasok ng RFID lanes sa mga expressways nang walang sapat na load sa Pebrero 22.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Garry de Guzman na siya ring itinalaga bilang alternate TRB chair sa House Transportation Panel na target nilang ipatupad ang bagong policy sa loob ng dalawang linggo matapos nilang ilunsad ang “massive” information drive para sa mga motorista.

Ani Guzman, maraming motorista ang nang-aabuso sa kasalukuyang sistema ng TRB.

Ngunit ayon sa ilang mga mambabatas, ang implementasyon ng bagong polisiya ng 3-strike policy ay dapat lamang mangyari kung magpapatupad din ang TRB ng mas mahigpit na penalties sa mga toll operators.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.