SINUSPINDE muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad o implementasyon ng Child Safety in Motor Vehicles Act.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isinagawang virtual briefing ngayong araw.
Sa nasabing batas, inoobliga ang paggamit ng child car seat para sa mga batang edad 12-taong gulang pababa o 4’11 pababa ang height.
Samantala, sinabi rin ni Roque na hindi na mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS).
Ibig sabihin aniya ay kinakailangan walang bago o karagdagang singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.