APRUBADO na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang implementasyon ng Free Trade Agreement sa pagitan ng South Korea.
Sa ilalim ng kasunduan, magiging duty-free na ang entry ng maraming Pinoy products sa Korea.
Inaasahan na mula rito ay mas mapapalakas pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.
Kasabay pa ng free trade agreement ay inaprubahan din ng NEDA ang implementasyon ng dalawang major infrastructure projects.
Katuwang naman ng bansa dito ang French government at nagkakahalaga ang mga proyekto ng P63.2B.
Ang tinutukoy na mga proyekto ay ang Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project at ang Accelerated Bridge Construction Project for greater economic mobility and calamity response (ABC Project).