Import ban, ipinatupad ng DA sa poultry products mula Michigan

Import ban, ipinatupad ng DA sa poultry products mula Michigan

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng poultry products mula Michigan, USA.

Batay sa Memorandum Order No. 24, sanhi ng import ban ang outbreak ng bird flu sa lugar.

Madalas na hindi nakakahawa sa mga tao ang bird flu subalit sa ngayon ay may iilan nang kaso na nahawaan ang tao ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Saklaw ng import ban ang domestic o wild birds at kanilang mga produkto, poultry meat, day-old chicks, at mga itlog.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble